Yey, I’m back!
Namiss ko magsulat dito sa blog ko. (hehe)
Sa totoo lang mas madame akong time magsulat ngayon dito kasi..
Kasi isa na ako ulet “kyut na tambay!” Tama po, kyut ako! (n_n)
Well, the truth is I quit my job before holy week kaya ganun but I hope meron na akong matanggap na response sa mga inaapplyan ko. Please, Lord..(hehehehe)
Nakakabore din kasi kahet na kyut na tambay pa ako. Harhar (joke lang)
Hmm.. Any topics to be discuss? Hehe
Ok, fine. Ako na lang ang topic sa ayaw o sa gusto nyo. Hahaha
Sa totoo lang kasi nahihirapan ako magdecide. Hindi ko alam kung san ba ako magaling at the same time yung mageenjoy ako. Sabe kasi in order to succeed, magfocus ka sa strengths mo and dapat daw happy ka sa ginagawa mo.
Hmm… naguguluhan kasi ako.
Madale lang naman maging Masaya, halos sa lahat ng bagay kung iisipin mo pede ka maging Masaya ayt?
Pero iba na yun pagdating sa LOVE!
You can only be truly happy sa totoo at nagiisa mong mahal. Mahirap ipagpilitan na masaya ka sa piling ng iba kung hindi naman talaga sya ang LOVE mo! (hehehe..pasinget lang ng love story, joke)
Ok, enough of this crap!
Pero saan nga ba ako magaling?
Ano nga ba talaga ang gusto ko sa buhay?
Before, sabi ko gusto kong tumulong sa mga mahihirap. How can I do that kung pati ako naghihirap? Hehehe. I was inspired when I watched the episode ng “ Biyaheng Totoo” in GMA, para tuloy gusto ko din yung ginagawa nila. Naglalakbay sa malalayong lugar then tumutulong, pinaparating sa iba ang kalagayan ng mga kababayan natin sa mga probinsya. If you watched that episode, I’m sure masasabe nyo still how lucky we are, may natitirhan tayo na maayos, nakakakain tayo ng 3x sa isang araw, at kumikita tayo ng maayos. I couldn’t help myself to cry while watching that episode. Kaya nga nasabi ko na gusto ko yung ginagawa nila, parang ang sarap sarap sa pakiramdam na nakakatulong ka kahit gano kalayo, gano kahirap maipahatid lang nila satin ang kalagayan nila. I still hope na hindi pa sila nawawalan ng pag-asa and that they still have faith in God kahit na ganun pinagdaraanan nila. I also wish na matugunan ng Presidente ang mga hinaing nila and that they can still do something with their situation. For now, if there’s an opportunity ito sana ang pinakagusto kong gawin. ^_^
Sana yumaman din ako so I could help them.
Isa din sa mga gusto ko ang MUSIC.
Yep, I love music. Mahilig akong kumanta, sumayaw at tumugtog ng mga instruments kahit ayaw nila saken at pinipilit ko silang tugtugin kahit wala naman akong nabubuo na magandang musika. Hahaha. (believe it or not, di mo gugustuhin na tumugtog ako ng piano/gitara kung ayaw mong masira eardrums mo) hehehe. Pero seriously, kahit sana pagkanta at pagsayaw nalang ok na ako eeh. Lord, sana po bumaet na sken ung mga instruments ng sa ganun gumanda nap o ang tugtug ko. Hahaha. Sabe nga nila, Practice makes perfect, so kailangan ko pang magpractice ng magpractice bahala kayong masira ang eardrums nyo. I won’t stop hangga’t di ko napeperfect! Bwahahahaha. That’s the spirit. Oh yeah!
Ofcourse, hindi din mawawala sa mga pangarap ko ang magkaro ng mala-palasyong bahay, isang kyut at astig na kotse, at ang yumaman. Hehehe. Syempre lahat tayo pinapangarap yan. Lahat tayo gusto magkaron ng maayos at magandang pamumuhay pero dapat may disiplina pa din sa sarili. Lahat naman ng sobra masama ayt? Maraming mayaman ang napapariwara dahil sa kawalan ng disiplina at faith kay Papa God. In order to succeed, we should remember to put God first in everything that we do and he’ll take care of the rest. Also, we should love ourselves first so that we can love others.
Madame pa akong mga pangarap. Pangarap para sa family ko, sa love ko (uy, love life.hehe), sa mga friends ko, sa mga relatives ko, inshort sa buong mundo. Well, I couldn’t write them all here pero bago ko matupad yun, I hope makapagdecide na muna talaga ako kung ano na ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay. Hehehehe..^_^
But I do believe that all my questions will be answered in God’s time. And I am patiently waiting.
Godbless guys..^_^